sabato 23 dicembre 2006

Christmas Party 2006
























Mao ni ang mga pagkaon nga giandam sa mga miembro sa pundok para sa among Christmas Party'06. Sa tuo, makita ninyo ang tulo ka bata nga gipiling Emcee sa among program - si Zenie, Nilda, ug ang anak ni Myla.






Pasko 2006


Minamahal kong kaibigan:


Marahil naman alam mong malapit na ang birthday ko [birthday ko ngayon]. Noong nakaraang taon ay napakalaking party ang ibinigay nila sa akin at palagay ko ay ganoon din ang gagawin nila ngayong taong ito.
Sa katunayan ay nakapag-shopping na sila at ilang buwan na rin silang naghahanda. Mayroon pa silang announcements at advertisements sa TV araw-araw. Mayroon pa ngang count-down para ipahiwatig sa lahat na malapit na ang birthday ko. Nakakatuwa din naman na kahit minsan lamang sa isang taon ay naaalala nila ako kahit kaunti.
Noong nakaraang birthday ko ay nag-party sila ng napaka-laki. Pero maniniwala ka ba: hindi ako imbitado? Alam mo, dalawang buwan silang naghanda pero noong dumating ang birthday ko, ay nasa isang sulok lamang ako at nalalamig. Sa bagay, sanay na rin naman ako dahil tuwing birthday ko ay ganyan ang kanilang ginagawa. Pero kahit hindi ako imbitado ay tahimik akong pumasok sa bulwagan at tumayo lamang sa isang tabi.
Nakita ko na ang lahat ay nag-iinuman, nagkakainan, nagtatawanan at napaka-saya ng bawat isa. Mayroon pa silang "guest of honor" kaya nakalimutan nila ako. Isang matabang mama na biglang pumasok. Nakasuot siya ng kulay pula, may dalang supot na malaki sa likod, kina-kalembang niya ang kampanang dala at sumigaw ng Ho! Ho! Ho! Pumunta siya sa gitna ng bulwagan at naupo sa isang malaking silya na inihanda para sa kanya. Dinumog siya ng mga bata at nagpa-picture pa sila. Pinagkaguluhan siya, akala mo tuloy siya ang may birthday. Sabi pa nga ng mga bata, naglalakbay daw siya at lumilipad na kasama ang mga reindeers pati na si Rudolph na may mapulang ilong. Namamahagi daw siya ng laruan sa lahat ng mababait na bata.
Naisip ko na lang na umalis na at noong ako ay lumabas ng pinto ay wala man lang naka-pansin sa akin. Habang ako'y naglalakad sa lansangan, malungkot na malungkot ako at napaka-bigat ng aking kalooban. Mabigat talaga na ako'y napapa-iyak mag-isa.
Nadaan ako sa isang bahay at nakita kong mayroon silang display na maliit na bjglen. Alam mo, ruwang-tuwa ako at nasabi kong napaka-sweet naman ng pag- alala nila sa birthday ko. Pero nalungkot pa rin ako kasi bihira naman akong maalala sa pamamagitan ng belen. Kadalasan puro na lang makikintab na mga palamuti, mamahaling ilaw at magagandang parol na kumukuti-kutitap at kung anu-ano pang magaganda at mamahaling bagay.
Alam mo, nakapag-hihinanakit din na sa birthday ko, lahat ay nagbibigayan ng regalo. Kadalasan pa nga ang mga regalo ay hindi naman talagang kailangan. Ako ang may birthday, pero bakit wala akong regalo? Halos walang nagbibigay sa akin. Sige nga, ikaw, ano kaya ang mararamdaman mo kung ikaw ang may birthday at lahat ng mga imbitado mo ay nagbigayan ng regalo sa isa't isa pero ikaw na may birthday ay hindi man lang hinandugan ng kahit ano.
Hindi naman ako naghihintay ng mamahaling regalo eh. Simple lang naman ang gusto ko. Isang regalong hindi matatagpuan at hindi mabibili saan mang shopping mall. At ito ay isang malinis na puso na tumitibok, nagmamalasakit at naglilingkod sa kapwa.
Minsan nga ay may nagsabi pa, "eh paano ka naman naming bibigyan ng regalo, eh wala ka naman dito?" Ang sagot ko naman, "pakainin mo yung nagugutom, painumin mo yung nauuhaw, damitan mo yung naka-hubad, bisitahin mo yung mga nalulumbay at tulungan mo ang sinumang nangangailangan." Dib a sabi ko naman sa iyo na, "anuman ang gawin mo sa iyong kapwa ay ginawa mo na rin sa akin?"
Nakakalungkot talaga! Taon-taon na lang ay pasama ng pasama ang sitwasyon. Kahit nga ang pangalan ko ay shino-short cut pa. Biruin mo, inalis pa ako sa salitang "Christmas" at pinalitan na lang ako ng letter "X." Kaya tuloy sa mga pagbati ang sinasabi ay "Merry X-mas" na lamang at hindi na "Merry Christ­mas."
Napakalaking insulto naman! Kung bibigyan kita ng birthday card at isu-sulat ko, "Happy birthday, X" siguro hindi mo na ako babatiin at magagalit ka pa sa akin. Ano pa kaya ang gagawin nila para ako ay matakpan, para ako ay mawala sa eksena at mapalitan bilang sento ng sarili kong birthday celebration?
Pero okey lang lahat ito. Kaya naman talaga ako isinilang ay para sa inyo, ako'y Emmanuel, ang Diyos na kasama ninyo, ang Diyos para sa inyo. Sana sa birthday ko ngayon, maging masaya ulit kayo, mag-party ulit kayo, magbigayan ulit kayo ng regalo. Pero sana, huwag ninyo naman akong kalimutan dahil kahit kailan hinding-hindi ko kayo kinalimutan. Kahit isang saglit, hind kayo nawala sa isip at puso ko, kahit madalas hindi ninyo ako pinapansin. Alam n'yo kung bakit? Alam ko ang dahilan? Isa lamang ang dahilan - dahil mahal na mahal na mahal ko kayo. Tandaan ninyo yan. Huwag ninyong kalilimutan yan. Mahal ko kayo...JESUS CHRIST.









Nessun commento: